LIPAS NA NGA BA?

cooltext437138135

cooltext437140111

Bakit patuloy pa rin sa pagtangkilik ang mga Pilipino ngayon sa mga produktong dayuhan kahit na alam nating may potensyal at high standard din naman ang mga produktong galing sa ating bansa ? Ano nga ba ang mga kaibahan nito sa sariling atin? Malaki nga ba ang pagkakaiba ng mga ito?

MGA IMPORTED NA SAPATOS

d33aba2ce6183d2e

d0181f9806b1d8b8

20b13ba9bfa6a280

Maraming produktong galing sa Pilipinas ang ini-export sa ibang  bansa at ginagawaran ng parangal dahil sa ito ay mga high standard ngunit mapapansin natin na talagang dominante ang mga produktong banyaga sa ating bansa. Marami ang mas pinipiling bilhin ang galing sa abroad kaysa piliing tangkilikin ang mga prodktong Pinoy. Ilan sa mga halimbawa nito ay mga imported na sapatosis vuitton, mga damit na imported, atbp.

FOREIGN ARTISTS

rihanna_wallpapers_16

chris brown

Leona_Lewis-Bleeding_Love

Mapapansin na marami sa sikat kanta ngayon sa Pilipinas ay naimpluwensyahan na rin ng mga banyagang kanta. Madalas sa mga sikat na kanta ngayon ay mga tinagalog mula sa orihinal nito.Ang mga halimbawa ng mga kantang tinagalog nila ay Lawlaw (Low by Florida), Payong (Umbrella by Rihanna), Binibining Ganda (Beautiful Girls by Sean Kingston), Lampa (Clumsy by Fergie), Sa’yo (With you by Chris Brown), Sugat sa Puso (Bleeding Love by Leona Lewis) at Wag Mong Pipigilan (Don’t Stop the Music by Rihanna).

FOREIGN MOVIES

Copy of the_twilight_saga_new_moon-13013

Copy of twilight

3781834445_785026762c

Sa ating movie industry ngayon ay halata ang pagbagsak ng mga pelikulang Pilipino dahil mas pinipilahan ang mga pelikulang dayuhan.Ilan sa mga halimbawa nito ay Twilight, New Moon, Final Destination, etc.

TELENOVELA REMAKES

Copy of only-you-teleserye-remake

Copy (2) of marimar1056pm6

Copy (2) of lalola_pinoy

Sinasakop na rin ang telebisyon ng mga dayuhang palabas. Ilan dito ay pagdagsa ng mga Korean novela, Mexican novela  etc. na tinatangkilik ng mga Pinoy. Dahil dito, marami sa mga palabas na napapanood ngayon na gawang Pinoy ay ibinabase nalang sa mga sikat na mga telenovelas na gawa ng mga dayuhan tulad ng My Girl, Only You, Zorro, Marimar, Rosalinda, Lalola, Lovers in Paris atbp. Likas na sa mga Pilipino ang galing sa pagsulat ng kwento kaya makikita nating ito ay isa sa mga patunay ng “Colonial Mentality” sa bansa.

JAPANESE ANIME

Copy (2) of onepiece

spacer

Copy (5) of Hunter_X_Hunter

Copy (5) of FULL_METAL_ALCHEMIST_Group_by_reiq

“Cosplay”,kapag narinig ang salitang ito ay maiisip kaagad natin ay tungkol ito sa anime. Nandito na sa Pilipinas ang anime fever dahil mas sikat pa ang mga animation na gawa ng ibang bansa kaysa sa mga ginawa ng mga Pinoy. Pero hindi rin natin masisisi ang Pilipino ngunit paano nga  sisikat ang Pinoy animation kung hindi ito tatangkilikin at paano sila maiinganyong gumawa kung wala namang manonood. Isang katotohanang nakalulungkot isipin at hindi lang d’yan pati na rin sa mga costume party ay halata ang impluwensya ng foreign anime. Kapuna puna na unti-unting nakikilala ang pananamit ng cosplay,mga costume na base sa mga na anime, na karaniwng makikita sa Japan.

COSPLAY

cooltext437181366

Copy (2) of kurapika11

3836224667_36c13aa56a

2268490176_a8ba550c9e

Marami pang ibang epekto ang colonial mentality sa ating bansa na nakakaapekto na rin sa atin. Hindi masamang tangkilikin at gayahin ang mga gawa ng iba ngunit dapat na alam natin ang limitasyon ng mga galaw na ginagawa natin dahil baka isang araw ay magising nalang tayo na wala na ang sariling tatak ng ating pagiging Pilipino. Nagkaroon na nga tayo ng kalayaan ngunit sa mga ganitong sitwasyon ay maituturing nga ba tayong malaya dahil mistulan tayong nakakulong sa isang hawla ng nakarann? Dahil noon pa man ay sakop na tayo ng ibang bansa.

-Mark Joseph S. Pacis-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: