FOREIGN FOODS

TEMPURA

 tempura1 

Ang tempura ay isang japanese food na nagustuhan ng mga pinoy at madalas nakahain sa mga handaan. Marami sa atin ang nasasarapan dito tulad ko. Masarap ang lasa nito at malutong ang pagkakaluto. nakakaaliw din ang imahe nito na talaga namang mukhang masarap sa tingin palang. Kaya tingin palang ay busog ka na. Marami sa atin ang mahilig sa hipon kaya gusto natin ang tempura dahil nangingibabaw ang lasa ng hipon dito at pinasarap pa ng malutong nitong bread crumps.

SIOMAI

siomai 1

   Popular sa ating mga pinoy ang siomai dahil sa masarap ito. Talaga namang napakabango ng amoy nito habang nasa steamer kaya nananabik tayong matikman ang masarap nitong lasa. Ang masasarap na pagkain ay nagdudulot ng galak sa ating damdamin yan ang dulot ng siomai para sa akin. at siguro ganun din kayo. Ang siomai ay maraming flavor kaya hindi ito nakakasawa.

PIZZA

pizza2

ang pizza ay popular dish ng italy. Na madaling tinangkilik ng pilipinas. Marami ang nahihilig dito. Ang toppings nito ay lalong pinasarap ng tomato sauce at melted cheese sa ibabaw nito. Ang pizza ay talaga namang sikat dito sa pilipinas kaya mapapansin natin na marami ng mga pizza stand sa paligid. Halos lahat sa atin ay mahilig sa pizza at madalang lang ang hindi.

SHAWARMA

shawarma1

Ito ay middle eastern sandwich. Ang tinapay na gamit dito ay pita bread kaya naman nangingibabaw ang lasa ng karne at hindi tinapay. Isa na ang pamilya ko sa mahilig dito. Tamang-tama ang combinasyon ng gulay at ng karne pati ang sauce nito ay masarap din. Pwede itong maging maanghang kung gusto mo. Pwede rin itong may gulay o puro karne depende sa gusto mo kaya mawiwili kang bumili nito.

BURGER

burger2

        Ang nagpasikat ng burger ay ang america. ngayon ito ay sikat na sikat na sa pilipinas. Mahilig talaga tayong mga pinoy sa pagkaing masasarap kaya madali nating tangkilikin ang mga pagkaing nagmula sa ibang bansa tulad ng burger. Matanda at bata ay mahilig dito. Madala pag nagpupunta tayo sa  mga fast food restaurant ang inoorder natin ay burger. Ganyan natin ito kamahal.

                                                           Michella Rose T. Lunes bsm 1-b

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: