cooltext433284404

cooltext434236015

Patuloy ang pagbabago at pagiging moderno ng mga tao sa kapanahunan ngayon saPilipinas. Noon pa man ay mahilig na tayo sa mga produktong banyaga. Bakit nga kaya? Ano bang hatid nito sa atin kung meron naman tayong sariling atin?

COOL-onial Mentality

comic19-1-1

Madalas na maririnig natin sa mga kabataan at maging sa mga matatanda ngayon ay nag-uusap-usap at ipinagyayabang nilang ang mga gamit nila ay “may signature” at galing sa abroad. Mas gusto pa nila ang mga produktong ito kaysa sa ating mga sariling produkto.

harry-potter2

the_grudge_3_dvd

PHiPhnklqCGxlq_m

MGA MOVIES

Sa larangan ng paggawa ng mga movies ay mapapansin na mas dominante pa rin ang gawa ng ibang bansa at hindi patok ang mga pelikulang Pilipino sa atin. Gusto nila ang mga foreign movies maging ito man ay horror, action, suspense, cartoons, etc. tulad ng G.I.JOE, The Grudge, Harry Potter at iba pa. Masasabing kaya ito pinipili ng mga Pilipino ay dahil sa hatid nitong makatotohanang “special effects” .

028391

57df97b5183630dc

wondergirlspsd20copy

GIRL GROUPS

Pati ang musika na kinalakihan na natin ay nasasakop na rin ng mga banyaga. Mas sikat pa ang banyagang grupo o mga solo artists dito. Maraming bandang  galing sa ibang bansa ang mas gusto ng mga Pilipino ngayon tulad Paramore,Secondhand Serenade, Linkin Park, Green Day at iba pa. Marami ang girl groups ang sikat na sikat sa loob ng bansa  katulad ng 2NE1, Pussycat Dolls, Wonder Girls at iba pa. Bakit kaya mas gusto pa nila ang mga kantang gawa ng mga banyaga? Ito ay  sa kadahilanang “fast beat” ang tugtog na gawa nila na nakakapagpa-indak sa mga nakaririnig nito.

Linkin-Park--C10095057

greenday-foto-icono-85

lglp1171+paramore-group-photo-paramore-poster

FOREIGN BANDS

Pati sa pagpili ng mga pagkain ay mas pinipili pa ng mga tao ngayon sa atin ang mga produktong banyaga tulad ng burger,  fries, waffle na mapapansin natin na mga pagkaing “instant” at madaling kainin na maaring dahilan ng pangyayaring ito.

mz_3897727_bodyshot_300x400-1

Marami pang mga bagay galing sa ibang bansa ang tinatangkilik ng mga Pilipino dahil ito sa pananakop ng ibang bansa sa Pilipinas noon. Tama nga ang kasabihang “History repeats itself”. Ito ay hindi na mawawala sa atin, ito ay parte na ng buhay natin. Kailangan lang alam nating ang limitasyon ng mga bagay na ginagawa natin. Ang masasabi ko lang ay maging responsible tayo dahil lahat ng bagay na ginagawa natin ay may kanya-kanyang epektong maidudulot sa atin at sa ating bansa.

-Mark Joseph S. Pacis-

1 Comment

  1. kgrp2 said,

    September 21, 2009 at 3:45 am

    oo nga marmi na tlga ngaun ang mga pilipino na walang hilig sa sariling atin!!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: