hilig ng mga tao

hollister

guessabercrombie & fitch

Hollister, Abercrombie & Fitch at Guess sino ba naman ang hindi makakaalam ng ganitong brand ng damit. Magkaroon lang ng ganito ay sasabihin sa’yo ay “Wow!yaman mo naman.” lahat ng ganitong klase ng damit ay magugulat ka sa presyo nito dahil sa isang pirasong t-shirt ay nagkakahalaga na ng libo, sino ba namang tao ang mag-aakasaya ng pera dahil lang dito, kumpara sa gawang pinoy nakatulong ka na nga sa ekonomiya, mura pa,maganda at matibay pa. May mamahaling damit ka nga pero gutom ka naman dahil napunta lahat ng pera mo sa branded na damit.

 

Mamahaling pabango…

calvin kleinralph lauren

dolce & gabbana

Calvin Klein, Dolce & Gabbana at Ralph Lauren mga nababanguhang pabango ngunit sakit naman sa bulsa para sa mga ordinaryong tao. Pwede ka ng di maligo dahil sa mga mahalimuyak na amoy nito at maihahalintulad ka na sa isang mabangong bulaklak. Dumaan ka lang sa harap ng tao tiyak ay maaamoy ka kagad at masasabi pa nila ay “Ang bango naman niya!anong pabango kaya ang gamit nia?? Sa Pilipinas merong Joel Cruz at Afficionado mga mababango rin naman bakit ka pa gagastos ng mahal kung may gawang pinoy naman.

Ready to go!!!

lacostechanelnike

 

Mga branded na sapatos ginagamit pang-porma ng mga mayayamang tao, imitation para sa mga can’t afford na di makabili nito. Ang mga ganitong klase ng sapatos tiyak na magtatagal ito umulan man o umaraw dahil matibay at mamahaling materyales ang ginamit dito. Sa ganda at tibay nito sino ba namang tao ang di gaganahang gumala. May pambato ang Pilipinas kung usaping sapatos din naman, kilala ang Marikina sa paggawa ng sapatos dahil mura na, maganda at kumportable pa sa paa, san ka pa??

 

Anong oras na?? 

chanelrolexguess

tik-tak-tik-tak.. ang markang tunog ng relos,isa sa mga impotanteng  gamit ng tao, para malaman kung anong oras na. Pang-porma na rin ito makakita ka lang ng branded na relos asahan mo na mahal at matibay iyon at higit sa lahat mapapa-wow ka! sa ganda ng disenyo nito. Magkaroon ka lang ng ganitong relos ay mapapatalon ka sa tuwa at ka-iingitan ka ng mga tao na di kayamg makabili nito.

 

                                                                            PRINCESS ANN D. POLICARPIO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: