Likas sa ating mga pilipino ang pagkahilig sa mga mkukulay na kasuotan tulad ng mga damit.Ito ay may kanya kaniyang style na sadya nating magugustohan.Kadalasan ang mga damit na nagmula pa s ibang bansa ang madalas na ibinibigay o ibinibili natin sapagkat ito ay may tatak at matibay ang pagkakayari.
Ang mga kasuotan na nagmula sa ibat’ibang bansa ay maraming uri.Nariyan ang t-shirt, pantalon, jacket at marami pang iba.Ilan lamang ito sa produkto na ibat’ibang bansa na ating tinatangkilik.Makikita natin na mas gusto ng mga pinoy ang disenyo ng ibang bansa at karamihan satin nahihinkayat na bumili nito.

Jacket-ito ang madalas nating ginagamit sa panahon na malamig o kaya naman ay sa panahon na tag ulan.Mahalaga sa atin ang mga kasuotang ito dahil malaki ang naitutulong nito sa bawat isa sa atin.Kadalasan ito ay nanggaling pa sa ibang bansa na patuloy nating iniingatan,tinatangkilik,at pinahahalagahan.


Pang- araw araw na kasuotan-ito ang uri ng mga kasuotan na mahalaga rinĀ para sa bawat isa sa atin,sapagkat ito ang isinusuot sa pang araw-araw na pamamalagi natin sa ating mga tahanan.Ito rin ay naaayon sa kalagayan ng panahon.Hal;kapag maalinsangan ang panahon dapat yong prisko sa ating katawan ang ating isinosuot upang maginhawa sa ating pakiramdam.




Pang Pormang Kasuotan-mahalaga sa bawat isa sa atin pagkakaroon ng pang alis o pang lakad na kasuotan lalo na kung ito ay nanggaling pa sa ibang bansa.Maituturing na pang porma dahil mayroong signature at magagandang style na tyak nating magugustohan.

Liza M. Balbastro